Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
Purchasable with gift card
name your price
about
Sa loob ng tila walang katapusang lockdown, para bang binabangungot tayo nang gising. Mas naging lantaran ang katotohanang lahat tayo ay pinapatay ng estado: hindi lang sa pandarahas at pagpatay ng AFP at PNP, pati na sa kawalan ng ayuda, pagtaas ng mga bilihin, at matinding kapabayaan sa pandemya.
Hindi na ito panahon para tayo ay matakot: ngayon, mas lalong dapat tayong manlaban. Hinihikayat namin na sumali tayo sa mga National Democratic Mass Organizations; sistematiko ang kalaban, kaya sa sistematikong pag-oorganisa lang natin mapagtatagumpayan ang laban.
Tatakbo-takbo, wag kang lilingon
Anino nino ang sumusunod sa bawat yapak mo?
Bawat kayod: nakalulunod,
Wag kang matisod baka maya maya't ika'y magkasariling puntod
Pilit na tinututok ang titig sa nais lang makita
Wag umastang naaabala sa kababalaghang
nagaganap
Wag kang sisilip baka di kayanin ng sikmura
ang sinasabuhay na katotohanan
Wag kang kukurap
Mga bangkay, patay buhay, gumagala
Di matukoy ang pinagkaiba, kaya isanay
ang sarili na wag magambala
Tuloy lang sa pagbabalat-kayong ayos lang ang lahat
Pero kahit anong pagtatangkang iwas at pagtakas,
Maaabot, mahahabol
kahit pa ika'y kumaripas
ng takbo papalayo — tila papalayo
Gagapangin ka ng kilabot ng nakahabol na mga anino
Tila wala kang takas sa mga rehas
Kahit ano pang pilit na pagpiglas
Wala kang takas
Wala kang takas
[Verse 2]
Sige boy, idilat mo ang iyong mga mata
Wag kang magpahinga kung ayaw mo tuloy mamahinga
Bilanggo ng lipunan, bilang ang araw gang kamatayan
Kung 'di sa gutom, sakit, sa bala matutuluyan
Binabangungot ng gising mga demonyong halang
Di takot sa sakit kundi korona ng Amang
Sinasamba ng mga buwayang lang kaluluwa
Kataway itatangay sa impyerno iluluwa
Kakasa itututok kakalabitin
Baril sa batok habang tulog nang mahimbing,
Poong Ama sinasamba din lang naman ang naguutos sa
Putangamang halang na baboy ang uumuubos
Mga bangkay, patay buhay, bumabangon
Sikmura'y umiikot, nasusuka, nandidilim
Paano mananaginip ng bukas kung mata'y piring
Sa dilat na bangungot, paano tayo magigising
[Outro]
Pinapatay lang din naman
Ba't di na manlaban?
credits
released March 22, 2021
Music produced by AHJU$$I
Mixed and mastered at Kuwago Nights Studio
Video produced by Kuwago Nights Studio
UK rapper and composer Oscar reconnects with his youth on a sleek, diaristic LP influenced by ’90s hip-hop and '00s R&B. Bandcamp New & Notable Apr 21, 2024